Tuesday, August 04, 2009

Tatlong Tanaga Para Kay Cory ni Heber Bartolome


Ang Pagdaan, August 3, 2009 © ben razon


TATLONG TANAGA PARA KAY CORY

ni Heber Bartolome


1. Dumaan ang tag-araw
Dumaan ang tag-ulan
Nang ikaw ang dumaan
Langit ay naging dilaw

2. Binti ay namimitig
Balakang nangangawit
Lahat ay magtitiis
Ikaw ay ihahatid

3. Bayan mong iiwanan
Ang pamana ay dangal
Ikaw ay halimbawa
Ng Dakilang Maylikha


© Heber Bartolome, 08.04.09

No comments: