Tuesday, April 12, 2005



Maraming salamat uli sa lahat ng mga kaibigan at kasama na dumating last April 6! Many thanks to my friends and colleagues who dropped by the Oarhouse, and below is Heber Bartolome's memorable account of the evening.

cheers and blessings to you all!

Ben


Ben's Party

Ako ang unang dumating na taga-banggaan.
Dinatnan ko ang isang mesang barkadang fotog ni Ben.
Kamay dito kamay doon.
Maya-maya ay may 2 babaeng dumating.
Bisita ni Ben.
Beso-beso.
Hindi mga daisy-otso ito.
Mga treinta'y otso.
Hiwalay sila ng mesa.

Order lang kayo.
Si Ben ang bahala.

Wala pa si Glenn?

Teka tatawagan ko.
Sabi Ben.
Si Lorna daw muna ang darating
Tapos hahabol si Glenn.

Sunod-sunod pang dumating ang ilang bisitang fotog.
May nagyo-yosi, may naka-tabako
May naka-kwako
Uuwi na ako
Bago tumulo ang uhog ko

Ngunit biglang may dumating na tsik na maganda
Kay Ben ay bumeso at sa aki'y nagmano
Di naman namin malaman kung sino

Sino ka?
Sabi ko.

Si Lorna.
Walanghiya kayo, di nyo ako kilala.

Ay, para ka kasing estudyante e.

Estudyante nga ako.
Galing ako sa school.
Susunod si Glenn.

School?

Nagre-rebyu ako para sa board ng P.T.

Physical Therapy?

Oo.

Umupo si Lorna sa tabi ko.
Nagsindi ng yosi. Patay.

Hindi ko na mahihintay si Glenn.

Bakit? tanong ni Ben.

Pagod na kasi ako.

Ngunit dumating ang order kong sabaw.

Ano yan? tanong ni Lorna.

Ingos-ingos. sagot ni Ben.
Sabay sandok at nilagyan ang mangkok ni Lorna.

Pagkatapos ng mga kwentuhan,
mahabang paghihintay at pagtitiis sa mga usok ng yosi,
Dumating din si Glenn da pogi. Naka sleeveless.
Dala ang G3 nya.

Maya-maya...
SURPRISE...
Putsa, dumating si Claro
Kasama asawa at 2 anak na magaganda
Kasama pa ang tig-isang boyfriend

Tumutulo na ang uhog ko
Pero di ako makaalis.

Nagkagulo sa kamayan, kwentuhan, kodakan.
Hintayin nyo lang iposte ni Glenn at Ben.

Tinawag ko si Ben
At simpleng sumakay na ako sa kotse.

Di ko na alam kung ano ang nangyari.

Heber Posted by Hello

No comments: